Salamat
sayong pagpapatuloy
Sa sugatang
damdamin
Salamat
sa'yong pagsaksi
sa luhang
unting napawi
Salamat sa
pakikinig
ng damdaming
tila nabingi
Sa
katotohanang tanggapin
Na ang
kahapo'y di na maibabalik
OO,tuloy pa
nga diba?
Ang buhay
Sana ganun
na lang kabilis
Sa paglisan
nitong sakit
Upang
madaling intindihin
Ng pusong
umaasa pa rin
Na pagbigyan
ang hiling
Na balikan
ulit natin
Ang pag-ibig
na minsa'y pinag-isa
Sa mga
pangakong nabuhay
Sa mga
pangarap na naitayo
Sa isa't
isa'y anong ligaya
kung tayo'y
magkasama
Di kita
iiwan .. oo
Di naman
kita iniwan e
May mga
bagay na dapat lang na dumistansya
Iwasan,di
dapat pag-usapana
Naniniwala
ako sayo
Sapagkat
natuto akong maniwala
Sa mga
salitang iyong binitawan
Maniwala sa
mga bagay na walang pinangahahawakan
Kundi ang
damdamin at tiwala sa isa't isa
Sa lugar na
ito tayo’y unang nagkausap
Ng mga lihim
na damdamin
Na ikinubli
sa mahabang panahon
Salamat,
dahil narinig ko
Na itinuring
mo ring higit sa kaibigan
Ang tulad ko
Sapat na
ngayo’y marinig
Anong ligaya sa pusong nalulumbay pa rin
Paniniwalaan
kong magiging mabuti ang lahat
Dahil ito’y
nanggaling sa iyong mga labi
Mga labing
aking pinagmamasdan lagi
Ingatan mo ang
sarili mo
IkAw pa Ri’y
aKIng Sinisinta at HinihintAy.
-Sa muli
nating pagbalik,sa’ting Tagpuan
0 comments:
Post a Comment