Tuesday, September 20, 2016

Sa Pagtago may naghihintay

Sabayan mo ko sa pagbilang ng sampu
At sabay tayong magtago
Ng katotohanang di na magbabago
Itong damdaming minsa’y pinagtagpo
Naglahong parang bangkang papel
Sa tubig na di naman ganun kalalim
Ika’y lumubog at di na umahon
Masdan ma’y di na babangon

Inayos man ng kaytagal
Yung hinihintay na makasabay
Kahit sa paglakad lang pauwi
Minamasdan ang dating aninio
Na dati’y may kaparehas
Sinusundan ang mga bakas
Ng mga baka sakali
Na ika’y duon maparaan

Laging hiling na ika’y makasama
Sa simpleng panaginip ay madama
Muli,ang yung yakap na saki’y nagpaasa
Ng mga salitang di ka mag-iisa
Di man kita masilayan ng malapitan
Hayaang baunin ko ang ating mga pinagsamahan
Ng kahapong kaysarap balikan

Hinihintay pa rin kita
Kahit matapos na ang bilang
At ika’y nakatago pa rin
Hahayaan kita sayong panahon
Isipin ang dapat isipin
Hanapin ang dapat hanapin
Hwag kang mag-alala
Matapos man ang bilang ng sampu
Pwede ko pa rin balikan ang simula
Dahil ang lahat ng tapos
Ay laging may panimula
Ihanda ang sarili
At sa pagbalik mo muli
Atin nang itigil ang pagbilang

Ang aRaw ma’y sumikat, Itong tala’y
Sa ulap HanAp pa rin


TAGPUAN

Salamat sayong pagpapatuloy
Sa sugatang damdamin
Salamat sa'yong pagsaksi
sa luhang unting napawi
Salamat sa pakikinig
ng damdaming tila nabingi
Sa katotohanang tanggapin
Na ang kahapo'y di na maibabalik
OO,tuloy pa nga diba?
Ang buhay
Sana ganun na lang kabilis
Sa paglisan nitong sakit
Upang madaling intindihin
Ng pusong umaasa pa rin
Na pagbigyan ang hiling
Na balikan ulit natin
Ang pag-ibig na minsa'y pinag-isa
Sa mga pangakong nabuhay
Sa mga pangarap na naitayo

Sa isa't isa'y anong ligaya
kung tayo'y magkasama
Di kita iiwan .. oo
Di naman kita iniwan e
May mga bagay na dapat lang na dumistansya
Iwasan,di dapat pag-usapana
Naniniwala ako sayo
Sapagkat natuto akong maniwala
Sa mga salitang iyong binitawan
Maniwala sa mga bagay na walang pinangahahawakan
Kundi ang damdamin at tiwala sa isa't isa

Sa lugar na ito tayo’y unang nagkausap
Ng mga lihim na damdamin
Na ikinubli sa mahabang panahon
Salamat, dahil narinig ko
Na itinuring mo ring higit sa kaibigan
Ang tulad ko
Sapat na ngayo’y marinig
Anong  ligaya sa pusong nalulumbay pa rin
Paniniwalaan kong magiging mabuti ang lahat
Dahil ito’y nanggaling sa iyong mga labi
Mga labing aking pinagmamasdan lagi
Ingatan mo ang sarili mo
IkAw pa Ri’y aKIng Sinisinta at HinihintAy.


-Sa muli nating pagbalik,sa’ting Tagpuan

Friday, August 19, 2016

Kamusta ka na nga ba?


Sabi mo di mo ko iiwan
Niyakap mo pa nga ako diba
sabi mo di ka aalis
hwag akong mag alala
pero bakit ngayon?
nasan ka na?
bakit di mo na ako gaano kinakausap?
Hanggang ganun na lang ba ang pag-ibig natin
nakalimutan mo na ba ang aking pagmamahal sayo?
nakalimutan mo na ba ang ating mga pinagsamahan
O sadyang di mo pa gaano kamahal?
paulit ulit kong sinasabi sayo kung gaano kita kamahal
lagi akong naghihintay sayong pagbabalik sakin
sinasabi ko sa sarili ko na handa akong
masaktan,
ngunit pagnandito na ang sakit di ko kaya
para akong mamamatay sa sobrang sakit
ang di mo ko pahalagahan
at ako'y iyo nang iwasan
nasan na nga ba tayo ngayon?
hanggang saan na lang ba pupunta ang aking pagmamahal sayo
nanghihingi na lang ako sayo ng panahon
upang ika'y makausap
gustong gusto na kitang yakapin
alam mo ba kung gaano kita kamiss?
sana alam mo yun kung gaano
tuwing gabi iniisip kita kung nakauwi ka na ba
kung nasan ka na
ano bang ginagawa mo
nagpayong ka ba kung umuulan
nasa maayos ka bang kalagayan ngayon?
umiiyak ka ba?
andito ako dadamayan kita
kung ang kasakitan at pagsakripisyo ko ang
magiging paraan para maging masaya ka ulit
handa akong isuko ang lahat
para sa pagbabalik lang ng iyong ngiti
kung sa gabi ikaw ay nakakatulog na ng mahimbing? =(
at sa pagising ko sa umaga hinihintay ko
ang iyong mensahe man lang
umaasa ako na mapansin mo ang aking nararamdaman
itinago ito ng mahabang panahon
ngayong may pagkakataon
ay kailangan munang ipagpaliban
Maam Arkie, ok ka na ba?
kamusta ka na?
angdami kong gustong sabihin sayo
pero sapat na muna siguro ang kamusta ka na
Ano na ang iyong kalagayan?
Suportahan nalang kita sa desisyon mo.

salamat. :/

Friday, August 12, 2016

Can we meet again?


To Love you is the most unforgettable moments
that happened to my life
I'm very thankful to have you
each day with you is wonderful gift from Him
Everything we shared together,
I will not forget specially you
your embrace
your kiss
the scent of your hair
your lips
your smile
everything about you
even when you breath
your heart beat
I will be thankful to Him again
If I can embrace you again
If can see you smile again
If I can kiss you again
If I can say "I Love you!" again infront of you
I remember the Joy in my heart
when you told replied: "I Love you too!"
On that moment, I'm blessed to hear and to know that
you love me too
Everyday I'm hoping to have you here beside me

But now,
we became stranger..
Where's my friend? my Love?
I knew you for a long time
My love, How are you?
Do you know how much I miss you?
When the times I cry in the night
hoping I can see you
even for a dream?
You didn't answer my call, my messages,
What happen to us?
I'm still here,
Where are you?
Are you doing fine?
When was the last time I saw you?
Can we meet tonight?

I really miss you!

Thursday, July 28, 2016

Hayaan muna

Hi =)
Kung mamahalin kita ngayon,
Handa mo bang iwan ang lahat para sakin?
Handa mo bang ipaglaban ang pagmamahalan natin?
Nasan na ba ko sa puso mo ngayon?
May puwang na ba ang sarili ko sayo?
Marami akong plano para sa ating dalawa.
Plano para sa kinabukasan nating dalawa.
Ngunit di ko napapapansin na dapat unahin
muna ang ngayong sitwasyon.
Paano nga ba natin itututloy to?
Kung angdaming ayaw sating dalawa.
Tayo ba ay magpapatuloy muna ng patago?
At paganagkaroon na ng pagkakataon saka natin  babanggitin sa lahat ang ating pagmamahalan.

Naghihintay lang ako ng oras.
Handa na akong ipaglaban at ipagsabi
ang aking mga nadarama sayo=/
sana ikaw din, gayundin ang nararamdaman mo sakin =(
Mahal na nga kita uulit ulitin ko yan sayo
para tumimo ang lahat sa puso't isip mo
Narito lang ako pagkailangan mo
di kita iiwan,tatanggapin ko ang hamon ng ngayon
Kung kailangan akong masaktan,mabuti pa sakin ang ganuong kalagayan
kaysa tumanganga at walang gawin habang ika'y nasasaktan.
Ang daming dahilan para iwan ka
sapagkat meron naman nagmamaya ari sayo.
Ang tanong PAGMAMAY-ARI KA NA BA TALAGA NYA ?

Bakit ang puso mo ba buong buo na sa kanya?
Nagiging makasarili na ako ..
Pero hahayaan kita.
Dahil ang pag-ibig ay di makasarili ,
ito ay mapagbigay




natutuwa sa kabutihan.
Hayaan mong narito ako sa tabi mo hangga't kaya ko pa
Narito hanggang sa pumili ka at magdesisyon
Narito ako hanggang sa ikaw ang magsabi sakin
na ako'y manatili sa tabi mo habang buhay o

kaya naman ako ay iyong palayuin.
Handa ako sa mga desisyon mo.
Di man ako nagmamadali sating pag-ibig.
Narito ako, tatahimik at makikinig,
sasama,magiging sandalan mo sa mga pangyayari.
Dalangin ko sa Diyos na ika'y ingatan palagi
At gabayan ang iyong damdamin at kaisipan sa mga pangyayari
Hayaan mo tulad ng bituin nariyan lang yan,
minsan natatakpan ng mga ulap.
pero hwag ka mag-alala andyan pa rin yan.


Hayaan lang muna natin,


Hi =)
Kung mamahalin kita ngayon,
Handa mo bang iwan ang lahat para sakin?
Handa mo bang ipaglaban ang pagmamahalan natin?
Nasan na ba ko sa puso mo ngayon?
May puwang na ba ang sarili ko sayo?
Marami akong plano para sa ating dalawa.
Plano para sa kinabukasan nating dalawa.
Ngunit di ko napapapansin na dapat unahin
muna ang ngayong sitwasyon.
Paano nga ba natin itututloy to?
Kung angdaming ayaw sating dalawa.
Tayo ba ay magpapatuloy muna ng patago?
At paganagkaroon na ng pagkakataon saka natin  babanggitin sa lahat ang ating pagmamahalan.

Naghihintay lang ako ng oras.
Handa na akong ipaglaban at ipagsabi
ang aking mga nadarama sayo=/
sana ikaw din, gayundin ang nararamdaman mo sakin =(
Mahal na nga kita uulit ulitin ko yan sayo
para tumimo ang lahat sa puso't isip mo
Narito lang ako pagkailangan mo
di kita iiwan,tatanggapin ko ang hamon ng ngayon
Kung kailangan akong masaktan,mabuti pa sakin ang ganuong kalagayan
kaysa tumanganga at walang gawin habang ika'y nasasaktan.
Ang daming dahilan para iwan ka
sapagkat meron naman nagmamaya ari sayo.
Ang tanong PAGMAMAY-ARI KA NA BA TALAGA NYA ?

Bakit ang puso mo ba buong buo na sa kanya?
Nagiging makasarili na ako ..
Pero hahayaan kita.
Dahil ang pag-ibig ay di makasarili ,
ito ay mapagbigay




natutuwa sa kabutihan.
Hayaan mong narito ako sa tabi mo hangga't kaya ko pa
Narito hanggang sa pumili ka at magdesisyon
Narito ako hanggang sa ikaw ang magsabi sakin
na ako'y manatili sa tabi mo habang buhay o

kaya naman ako ay iyong palayuin.
Handa ako sa mga desisyon mo.
Di man ako nagmamadali sating pag-ibig.
Narito ako, tatahimik at makikinig,
sasama,magiging sandalan mo sa mga pangyayari.
Dalangin ko sa Diyos na ika'y ingatan palagi
At gabayan ang iyong damdamin at kaisipan sa mga pangyayari
Hayaan mo tulad ng bituin nariyan lang yan,
minsan natatakpan ng mga ulap.
pero hwag ka mag-alala andyan pa rin yan.


Ang iyong Bituin.

Tuesday, July 26, 2016

PAGBITAW

PAGBITAW

Bakit ikaw pa yung aking minahal?
Kahit na sabihin ng iba na ako’y hangal.
Masisisi mo ba ako kung ikaw ang pinili.
Nitong puso kong ikaw lang ang tinatangi?

Sabihin man ng ilan na ito’y pagkakamali.
Hayaan mong ako’y nasa iyong tabi.
Kahit na batuhin man tayo ng mga batikos.
Aking tatanggapin,dahil mahal kang lubos

Mahal ko, dapat ba kitang tawagin sa salitang ito?
Kung iba naman ang nagmamay-ari sayo.
Magiging akin ka na lang ba sa panaginip?
Kung saan ang Pag-ibig ko lang ang ‘yung pansin.

Aanhin ko ang lahat ng bagay kung ang Puso’y walang laman.
Nang makilala ko ang pagmamahal mo,handa akong lumaban.
Ngunit kung ang dulot nito sa’yo ay sakit at kalungkutan.
Hahayaan na lang kitang maging malaya sa piling nya.

Sa simula pa lang alam kong kabiguan na ang mangyayari
Pero sumugal ako; ‘pag-ibig at kasawian ang aking pinili
Naging masaya ako sa tuwing ika’y kasama
Sulit din ang sakit dahil ika’y nakilala

Hayaan mong mahalin kita sa malayo
Ito na lang ang aking magagawa para sayo
Ipagkatiwala ka ulit sa mahal mong tunay

Ako’y patawarin sa aking pagbitaw.

paalam muna

Ang mga nangyayari ngayon ay di na naaayon saking kagustuhan
Wala na akong kontrol sa mga pangyayari sa aking buhay
Tila ang lahat ay nagbabago at unti unting lumilisan
Gulong gulo na ang aking kaisipan at di ko na alam

Ano bang hakbang ang aking gagawin at susundin?
Bakit ba ako nagkaganito dahil ba sayo?
Kung bakit ang lahat ng bagay sa buhay ko
Ay di na magkaugaga sa kaguluhan?

Bitawan man kita,tama ba tong gawin?
Pero paano? kung di ka naman  naging akin?
Ano ang karapatan kung magalit?
Kung ang sa sarili ko’y pagluha na lang ang gagawin?

Ang dami kong katanungan ngunit di kayang sagutin
Ano ba ang tamang salita na masasabi ko sa sitwasyong to?
Isang tangang nagmahal ng may mahal ng iba?
Sampalin mo na ko ng katotohanang ito para ako’y magising na

Tama na pagod na pagod na ako sa kakaasa sayo
Pakawalan mo na ang gapos saking kaisipan
Nahihirapan na ako nasanay akong lagi kang nandyan
Makakapagpatuloy pa kaya ako kahit wala ka?

 Di ko alam kung paano ko malalagpasan to
Durog na ang puso ko, naapektuhan mo na ang lahat
Lalayo muna ako sa ngayon dahlia ko lang ang lapit ng lapit

Paalam muna,hanggang sa muling pagkikita

Wednesday, June 22, 2016

TADHANA
Kung sakaling madamot ang tadhana
At ipagkait sating dalawa ang magkasama
Hayaan mong humawak ako sa Pag-ibig mo
Di ako papatangay dumating man ay bagyo

Ang iba’y gumagawa ng  paraan upang tayo’y saktan
Upang tayo’y bumitaw sa mga pangakong sinumpaan.
Katapatan ng pagmamahal ko’y alay sayo
Tulad ng tamis ng una nating pagtatagpo

Nagkaroon ng kasiyahan ang aking puso
Tila awit ang mga salitang nagmumula sa bibig mo
Kung sa mga sandaling ito ako ma’y nananaginip
Sana ito na ang magsilbing katotohanan satin

Halika tayo’y tumakas sa mundong magulo
Namnamin ang bawat saglit na magkasama tayo
Pagkakataong maging malaya sa’ting damdamin

Sa piling mo’y wala na kong hahanapin

2nd day: Agony of waiting

I’m waiting for your Face to be seen.
A glimpse of a Smile from your Lips.
I miss everything about you.
Even scent of your perfume

Can we meet tonight?
Cause I want you to feel my Love.
I want to hug you.
And tell you how much I miss you

A day, and hour, a minute, a second
I’m dying to see you
Please tell me what to do
Cause this feeling becomes Stronger

They say I’m a fool?
To fall in love with somebody’s joy
To dream a Future

With you holding hand and hand

Aking Prinsesa


Aking Prinsesa.
Ang pagmamahal ay dapat di nananaghili
kung magmamahal ka dapat walang reservation
magmahal ka ng malaya at walang pumipigil sayo
ibigay mo yung nararapat para sa kanya

magmahal ka ng walang takot
nang walang pakialam sa mga sasabihin ng iba
kung nakita mo na sya wag mo na syang pakawalan
baka ka magsisi bandang huli
minsan lang sa buhay ng tao
na makita ang ang isang tao na magmamahal sayo ng walang kapantay
na ang simpleng ngiti nya lang ay mababago na ang mood ng
buong araw mo.
Asan ka? lagi kong tanong noon,
kelan ka darating? bakit angtagal mo naman?
May nakalaan pa ba sakin?

Heto ka ngayon,
Dumating ka na.
Ikaw na ba ang nakalaan sakin?
Dahil ang dalangin ko'y ikaw na
Lagi kang laman ng aking mga panalangin
Sana'y ikaw na nga
Sa puso ko'y nananahan ka na
Hwag mo na ko iwan ha,
Sakin ka na manahan
Sa piling ko di ka na masasaktan
Walang sinuman ang makakagalaw sayo
Sakin ikaw ang prinsesa ko
at ako ang iyong matapat na kawal na di ka iiwan at sasaktan anuman
ang dumating satin.
Alam ko ngayon , hindi ka pa handang iwan ang
iyong kaharian sapagkat napakatagal nyong nagsama
Sabi nila bakit sya pa ang minahal mo
Di maaari ang iyong pag-ibig sa kanya
Bakit sila ba nakadama ng nararamdaman ko?
Mali ba ang magmahal?
Ang alam ko lang ngayon mahal kita
at mahal mo din ako,
at natuwa ako at bata pa tayo may puwang nako sa puso mo.

Kung ang tulad kong kawal ay maging prinsipe
di kita pababayaan na masaktan at umiyak
Sasamahan ko nag prinsesa ko saan man sya mapunta,
anuman ang kalagayan nya,
anuman ang sabihin ng mga nasa paligid
nandito ako sa tabi mo.
ako magpapatahan sayo ,ako pupunas ng luha mo.
Andito lang ako sa tabi mo hwag mo kakalimutan yan!
Ngumiti ka lang aking Prinsesa,
Narito ang matapat mong kawal
Aagapay sayo, kahit sa gabi ako ang iyong bantay,
Ang liwanag ko ang iyong gabay.

Tingnan mo lang sana ako!

How can I have you without Stealing You?
a wrong question.
You don't have to be greed to get the one you Love. Stealing is a sin but is this applicable when you fall in love with someone? Do this words come to your senses when you're with her? Are you stupid? or you're just in Love with the wrong Person in a wrong time?
Do this Questions bother you?
Having Someone may take you to Happiness but also you can take someone's Happiness. It can make you Laugh but it can make someone Cry. You have a choice; to make you a happy or to make somebody happy. Someone says; Happiness is a Choice. Humans have their own version of Happiness. Someone can be happy in a simple smile from their love ones, others traveling and wandering around the world seeking their own happiness but what if She's your Happiness? And She's with somebody's arm. How can you say you’re happy if she's not with you? How can you say she's your Happiness but She's the Reason behind your loneliness? And you build your own room of sadness with the broken hopes and smile.
She's your Happiness? but why she's the reason of all your Heartaches? How can I have her? when I know that she's wearing the best smile of Her life with him. How can I ruin that smile?

Can we Meet at some other Time? Can we Meet in different person?
and for that time comes I have the Right to Love you and to be Loved. In that moment My TRUE HAPPINESS will be found.

So, how can I have you without Stealing you?

STOP IT.