Tuesday, September 20, 2016

Sa Pagtago may naghihintay

Sabayan mo ko sa pagbilang ng sampu
At sabay tayong magtago
Ng katotohanang di na magbabago
Itong damdaming minsa’y pinagtagpo
Naglahong parang bangkang papel
Sa tubig na di naman ganun kalalim
Ika’y lumubog at di na umahon
Masdan ma’y di na babangon

Inayos man ng kaytagal
Yung hinihintay na makasabay
Kahit sa paglakad lang pauwi
Minamasdan ang dating aninio
Na dati’y may kaparehas
Sinusundan ang mga bakas
Ng mga baka sakali
Na ika’y duon maparaan

Laging hiling na ika’y makasama
Sa simpleng panaginip ay madama
Muli,ang yung yakap na saki’y nagpaasa
Ng mga salitang di ka mag-iisa
Di man kita masilayan ng malapitan
Hayaang baunin ko ang ating mga pinagsamahan
Ng kahapong kaysarap balikan

Hinihintay pa rin kita
Kahit matapos na ang bilang
At ika’y nakatago pa rin
Hahayaan kita sayong panahon
Isipin ang dapat isipin
Hanapin ang dapat hanapin
Hwag kang mag-alala
Matapos man ang bilang ng sampu
Pwede ko pa rin balikan ang simula
Dahil ang lahat ng tapos
Ay laging may panimula
Ihanda ang sarili
At sa pagbalik mo muli
Atin nang itigil ang pagbilang

Ang aRaw ma’y sumikat, Itong tala’y
Sa ulap HanAp pa rin


TAGPUAN

Salamat sayong pagpapatuloy
Sa sugatang damdamin
Salamat sa'yong pagsaksi
sa luhang unting napawi
Salamat sa pakikinig
ng damdaming tila nabingi
Sa katotohanang tanggapin
Na ang kahapo'y di na maibabalik
OO,tuloy pa nga diba?
Ang buhay
Sana ganun na lang kabilis
Sa paglisan nitong sakit
Upang madaling intindihin
Ng pusong umaasa pa rin
Na pagbigyan ang hiling
Na balikan ulit natin
Ang pag-ibig na minsa'y pinag-isa
Sa mga pangakong nabuhay
Sa mga pangarap na naitayo

Sa isa't isa'y anong ligaya
kung tayo'y magkasama
Di kita iiwan .. oo
Di naman kita iniwan e
May mga bagay na dapat lang na dumistansya
Iwasan,di dapat pag-usapana
Naniniwala ako sayo
Sapagkat natuto akong maniwala
Sa mga salitang iyong binitawan
Maniwala sa mga bagay na walang pinangahahawakan
Kundi ang damdamin at tiwala sa isa't isa

Sa lugar na ito tayo’y unang nagkausap
Ng mga lihim na damdamin
Na ikinubli sa mahabang panahon
Salamat, dahil narinig ko
Na itinuring mo ring higit sa kaibigan
Ang tulad ko
Sapat na ngayo’y marinig
Anong  ligaya sa pusong nalulumbay pa rin
Paniniwalaan kong magiging mabuti ang lahat
Dahil ito’y nanggaling sa iyong mga labi
Mga labing aking pinagmamasdan lagi
Ingatan mo ang sarili mo
IkAw pa Ri’y aKIng Sinisinta at HinihintAy.


-Sa muli nating pagbalik,sa’ting Tagpuan