Tuesday, May 30, 2017

EVERYTHING WILL BE OK


Don't Give up


Monday, May 29, 2017

GOD WILL MAKE A WAY


GOD IS ON TIME


Happiness


Thursday, May 25, 2017

Project Implementation

Project Implementation

Minsan para tayong Project Implementation sa Telecom e. Ibinigay ka ng Pagkakataon para maSurvey. At nang ika'y makilala nagkaroon tayo ng mga TSSR,mga Plans para sating dalawa. Nag Install pa nga tayo ng mga magagandang Memories. At nagpatuloy Tayo kasi naka-Power Tap tayo sa PAG-IBIG sa isa't isa. At kahit may problemang dumating nagRERECTIFY agad tayo. Para sa pagdating ng Acceptance natin wala nang PUNCHLIST pa. At kung may PL mang maisulat sa papel nating dalawa, sana Ma-RECTIFY natin agad para di na lumala. Baka kasi kung Lumala .. IPASA na lang sa iba.

At ang masaklap.
Maghintay na namanTAYO ng Phase 2 para lang makapagpatuloy.

Tuesday, March 14, 2017

Panalangin

"Panalangin"

Ako'y nanalangin
Sambitla ko ang mga usal ng aking damdamin
Baon ang mga pasasalamat sa mga nakaraan
Sa masasayang alaala na saki'y nanahan

Hindi ko alam
kung bakit sayo ako muli'y nagmahal
ang sabi ko sa aking sarili
Hindi na
Hindi na ko magmamahal muli

Nang makilala kita
Nalaman ko  na ang nota sa bawat musikang aking

inaaawit ay may halaga
Nang masilayan kita
Nalaman ko kung ano ang saya ng bawat gising sa
umaga

At sa tuwing ikaw ay aawit
ang bawat detalye ng iyong tinig
ay di ko makalimutan hanggang ngayon
kahit na lumipas na ang panahon

Naalala ko pa nga .

Laging magkausap
kahit nga abutin pa tayo ng umaga sa bawat usapan
Sa tuwing ika'y nakakaharap
Anong Bilis ng tibok ng pusong animo'y walang hanggan

Sa bawat sulyap na iyong mga mata
Naalala ko ang bawat saya
Ang bawat pagkakataon na ating pinagsasaluhan
ang masayang kwentuhan
Mga kwentong unti unti na lang naging isang alaala
na sa atin ay minsa'y nanahan


Ako'y nanalangin
Ang sabi ko sa Kanya
Sana ikaw na
ayoko nang mawala ka pa

sa piling mo ako'y panatag
sa piling mo ako'y nangarap
na ika'y kasama sa mga darating na kwento ng aking

buhay
kasama ka sa mga ginuguhit kong plano ng

pagtatagumpay

..

Ngunit ikaw ay bumitaw
Nagpaalam
Nais maging malaya
At magpatuloy nang di na `ko kasama

Sabi mo iba na lang
sabi mo humanap ako ng taong magsusukli ng aking

pagmamahal

Paano ko isusuko
Ang isang tulad mo
Na minsa'y naging parte ng buhay ko

Dahil sayo ako'y naging matatag
Dahil sayo nakilala ko ang bukas

Bukas na sabay nating haharapin
Kapit kamay nating tatanggapin
ang lahat ng bagay na sa ati'y dumating
Kahit anong hirap ay kakayanin

Nasaan na ang mga pangako?
na minsan nati'y pinagtagpo
Nasaan na sinta?
Nasan na ang ating pagsasama

Hanggang dito na lang ba?

Ako'y nanalangin
Sambitla ko ang mga usal ng aking damdamin
Baon ang mga pasasalamat sa mga nakaraan
Sa masasayang alaala na saki'y nanahan

Ako'y nanalangin
Sana sayo'y makarating
Na hanggang Ngayo'y ikaw pa rin
ikaw pa rin
ang sinisigaw ng damdamin

Magpapaalam na ko aking sinta
Sa piling nya ikaw ay maging masaya
Aking hiling na ikaw ay di nya iwan
Salamat sa minsan mong padating sa aking buhay

Ako'y nanalangin
Sana sayo'y makarating
Na hanggang Ngayo'y ikaw pa rin
ikaw pa rin
ang sinisigaw ng damdamin ..

Monday, March 13, 2017

Hangin

"Hangin"

Pagsinta ko sayo'y tulad ng hangin
di mo man makita o mahawakan
ni maitali o maihambing


dumadaan,umiikot,nbababasag
hanggang sa humupa
pero maya maya'y andyan ulit
nagpaparamdam ng presensya


di man sambitlain ng mga labi
sana mabatid mo kung gaano kita itangi
sabihin man nating ito'y komplikado
pagkat istorya nati'y di na bago

di na bago
dahil ito'y nahimlay ng kay tagal
nahimlay sa mga pag aagam-agam
sa mga baka sakaling di magtagpo
mga damdaming itinatago

Pagsinta ko sayo'y tulad ng hangin
nababatid ng bawat madaanan
ang kanyang lakas
lakas ng damdaming nag-iiwan ng mga bakas

na hanggang saking panaginip
naaalala ko ang iyong mga kapit
kung saan malaya akong isipin
na ako lang ang iyong iniibig

sino ba ang makakapagsabi
na ang hangin ay darating mamaya,
bukas
o sa ganitong oras

may makakapigil ba sa pagdating nito?
o meron bang makakapagplano?

hanggang kelan ka dadaanan
hanggang kelan ako magpaparamdam
upang iyong pahalagahan
ang aking pagmamahal

Pagsinta ko sayo'y tulad ng hangin
bumabalik at bumabalik
dumadating at dumadating
di papapigil kahit na basagin

Kung ang hangin ay may oras
ito ba ay iyong paglalaanan?
Kung ang hangin ay may wakas
ikaw rin ba ay magpapaalam?

sa mga oras na ikaw lang ang kasama
Anong ligayang walang maikukumpara
sa mga larawang ating pinagsamahan
salamin ng mga ngiting ating pinagsaluhan

sana sa bawat lakas ng pag-ibig
na ibinubuhos ng Hangin
sa bawat pagpupumiglas na damdaming
ibinubulong ng hangin

Sana
marining at iyong maramdaman

Pagsinta ko sayo'y tulad ng hangin
di mo man makita o mahawakan
ni maitali o maihambing

Nariyan lang naman palagi
Hinihintay lang na iyong mapansin

Iihip
aawit
daldahin ang mga mensahe
mag-ingat ka palagi

saan ka man makarating
susuportahan ka sa iyong mga pangarap
hayaang mong lagi kong ipabatid
kung gaano kita laging hinahanap

Namimiss na kita
sa paglipas ng mga araw
Naiisip kita
umaasang makasama ka balang araw

Hayaan mong ako'y manatili
manatili sa pagsintang inukit
ng mga bakas ng hangin
sa pusong ikaw lang ang ginigiliw

Pagsinta ko sayo'y tulad ng hangin
di mo man makita o mahawakan
ni maitali o maihambing

sana iyong mabatid ito'y
di nagmamaliw ..