Tuesday, March 14, 2017

Panalangin

"Panalangin"

Ako'y nanalangin
Sambitla ko ang mga usal ng aking damdamin
Baon ang mga pasasalamat sa mga nakaraan
Sa masasayang alaala na saki'y nanahan

Hindi ko alam
kung bakit sayo ako muli'y nagmahal
ang sabi ko sa aking sarili
Hindi na
Hindi na ko magmamahal muli

Nang makilala kita
Nalaman ko  na ang nota sa bawat musikang aking

inaaawit ay may halaga
Nang masilayan kita
Nalaman ko kung ano ang saya ng bawat gising sa
umaga

At sa tuwing ikaw ay aawit
ang bawat detalye ng iyong tinig
ay di ko makalimutan hanggang ngayon
kahit na lumipas na ang panahon

Naalala ko pa nga .

Laging magkausap
kahit nga abutin pa tayo ng umaga sa bawat usapan
Sa tuwing ika'y nakakaharap
Anong Bilis ng tibok ng pusong animo'y walang hanggan

Sa bawat sulyap na iyong mga mata
Naalala ko ang bawat saya
Ang bawat pagkakataon na ating pinagsasaluhan
ang masayang kwentuhan
Mga kwentong unti unti na lang naging isang alaala
na sa atin ay minsa'y nanahan


Ako'y nanalangin
Ang sabi ko sa Kanya
Sana ikaw na
ayoko nang mawala ka pa

sa piling mo ako'y panatag
sa piling mo ako'y nangarap
na ika'y kasama sa mga darating na kwento ng aking

buhay
kasama ka sa mga ginuguhit kong plano ng

pagtatagumpay

..

Ngunit ikaw ay bumitaw
Nagpaalam
Nais maging malaya
At magpatuloy nang di na `ko kasama

Sabi mo iba na lang
sabi mo humanap ako ng taong magsusukli ng aking

pagmamahal

Paano ko isusuko
Ang isang tulad mo
Na minsa'y naging parte ng buhay ko

Dahil sayo ako'y naging matatag
Dahil sayo nakilala ko ang bukas

Bukas na sabay nating haharapin
Kapit kamay nating tatanggapin
ang lahat ng bagay na sa ati'y dumating
Kahit anong hirap ay kakayanin

Nasaan na ang mga pangako?
na minsan nati'y pinagtagpo
Nasaan na sinta?
Nasan na ang ating pagsasama

Hanggang dito na lang ba?

Ako'y nanalangin
Sambitla ko ang mga usal ng aking damdamin
Baon ang mga pasasalamat sa mga nakaraan
Sa masasayang alaala na saki'y nanahan

Ako'y nanalangin
Sana sayo'y makarating
Na hanggang Ngayo'y ikaw pa rin
ikaw pa rin
ang sinisigaw ng damdamin

Magpapaalam na ko aking sinta
Sa piling nya ikaw ay maging masaya
Aking hiling na ikaw ay di nya iwan
Salamat sa minsan mong padating sa aking buhay

Ako'y nanalangin
Sana sayo'y makarating
Na hanggang Ngayo'y ikaw pa rin
ikaw pa rin
ang sinisigaw ng damdamin ..

0 comments:

Post a Comment